Sabik Sa'Yo
Dati-rati sa buhay ko
Nagbababad sa kung anu-ano
Sumasama sa mga barkada ko
Nalululong sa iba't-ibang bisyo
Ang gitara ko'y lagi sa inuman
Ginagamit ang talento sa kamunduhan
Kasalanan ko'y hindi na mabilang
Laging umaayon sa kasamaan
Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala mo sa'kin ang 'yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik hindi na bisyo
Kundi sa presensya mo
Ako ay adik hindi na sa kung anu-ano
Kundi sa mga salita mo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Ngayon ang buhay ko ay nagbago
Hindi na nalulunod sa mga bisyo
Sumasama sa mga kapatiran
'Binabahagi ang ebanghelyo
Ang gitara ko'y nasa pagpuri na
Ginagamit ko upang dakilain ka
Lagi kong dala ang 'yong mga salita
Na siyang pagkain ko sa gabi at umaga
Dahil bigla kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala mo sa'kin ang 'yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik hindi na bisyo
Kundi sa presensya mo
Ako ay adik hindi na sa kung anu-ano
Kundi sa mga salita mo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Dahil bigla kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala mo sa'kin ang 'yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik hindi na bisyo
Kundi sa presensya mo
Ako ay adik hindi na sa kung anu-ano
Kundi sa mga salita mo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo
Panginoon ako'y sabik sa'yo