Himig Mo

Kay dami nang mga pagsubok
Ilang unos na nagpaluha sa atin
Nangangamba natatakot na muling maulit
Mga buhay na nawala kailanma’y di na maibabalik

Buong bansa lahat tayo’y magkaisa
Pilipinas tumayo ka
Lahat tayo'y pare-pareho iisang ating dugo
Kahit saan sa mundo
Ang puso nati’y Pilipino
Magsama-sama magkaisa
Ang himig mo’y kailangan na
Itaguyod ang iyong bansa

Oh oh oh oh

At sa gabi sayong pagtulog
Isang dalangin ang iyong itabi
Manalig ka maniwalang may bukas pa
Hawak ang sipag at tiyaga
Daanin natin sa gawa

Buong bansa lahat tayo’y magkaisa
Pilipinas tumayo ka
Lahat ng yan gawan natin ng paraan
Sisikat din ang araw

Buong bansa lahat tayo’y magkaisa
Pilipinas tumayo ka
Lahat ng yan gawan natin ng paraan
Sisikat din ang araw

Músicas mais populares de Ney Dimaculangan

Outros artistas de Pop rock