Ligaw

Sa paglipas ng panahon
Ginawa ang makakaya ko
Unti-unting gumaan ang buhay
Ngunit sa isang saglit ay naglaho

Bigla na lang nawawala
Hindi ko na maunawaan pa
Nilalayo ako sa'king isip
Pikit-matang nangangapa
Hanggang ngayo'y wala pa ring magawa
Nilalaro ang aking isip

Nang dumating ka sa buhay ko
Nagbitaw ka ng mga pangako
Hindi naman sinisisi ngunit
Wala naman nagkatotoo

Bigla na lang nawawala
Hindi ko na maunawaan pa
Nilalayo ako sa'king isip
Pikit-matang nangangapa
Hanggang ngayo'y wala pa ring magawa
Nilalaro ang aking isip

Naghahanap ka ng daan
Ngunit walang mapatunguhan
Nag-iisip pinipilit gumagawa ng paraan
Unti-unting nagagalit
Hanggang ngayo'y nagigipit
Hanggang saan hanggang kailan
Ko makakaya ang ganyan

Bigla na lang nawawala
Hindi ko na maunawaan pa
Nilalayo ako sa'king isip
Pikit-matang nangangapa
Hanggang ngayo'y wala pa ring magawa
Nilalaro ang aking isip

Bigla na lang nawawala
Hindi ko na maunawaan pa
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo'y wala pa rin magawa

Músicas mais populares de Ney Dimaculangan

Outros artistas de Pop rock