Tuloy Ang Ikot Ng Mundo 2020

Jim Paredes

Napapansin niyo ba na ibang iba na
Ang takbo ng buhay natin ngayon?
Ang ating demokrasya ay nawawala na
Ang dating pwede, pinag babawal na ngayon

At lalala pa pare ko
Lalala pa pare ko
Sapagkat
Tuloy ang ikot ng mundo.

Mga dating matino ay
Naging baliw na
Nawalan na ng katwiran at naging bastos pa
Ngunit dumadami rin ang mga mulat na
Ayaw na nilang magpasamantala

Nag-iiba na pare ko
Nag-iiba na pare ko
Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo

Mga nang-aapi ngayon bukas makukulong
Kahit na mabagal umiikot ang gulong
Ang araw sumiskat at lumulubog din
Ang buhay ng api siya ay giginhawa rin

Iilan lang dati ang meron paki
Sa mga bagay bagay munti at malaki
Ang dating mga taong tahimik sa tabi
Ngayon galit sila at gusto maghiganti
At lalala pa pare ko
Lalala pa pare ko
Sapagat tuloy ang ikot ng mundo

Mahirap na pigilin pag galit ang tao
Kikilos ito sa ayaw mo't sa gusto
Kanino ka papanig kung itatanong ko
Sa manlulupig o sa lumalaban para sayo

Panahon na pare ko
Dapat lang kumilos tayo
Sapagkat
Tuloy ang ikot, ikot
Ikot ng mundo

Músicas mais populares de Jim Paredes

Outros artistas de Pinoy pop