Libog Lang Yan

Kaibigan ko may nakilala kagabi
Ang ganda gandang babae
Morena matangkad at super ang sexy
Ang akit niya'y kawili-wili
Nabihag siya nang naaninag niya ito
Sumasayaw sa entablado

Pangalang ng babae daw ay Miriam
Huling pangalan di niya alam
Ang nais niya'y iwanan ang asawa niya at si Miriam ay pakasalan
Ang payo ko sa kanya hinay-hinay lang
Ang sabi ko relax ka lang

Ngunit ayaw makinig ng kaibigan ko
Sa ano mang sabihin ko
At utak niya'y hilong-hilo't gulong gulo
Ang kilos niya ay tuliro
Ang nasa isip niya ay iisang bagay lamang
Si Miriam sana ay matanan

Oh
Sabi ko

Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang
Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang

Hindi mo ako maintindihan pare ko
Ang sumbat niya sa akin
Ngayon lang daw siya nakakita ng diyosa
At nais niyang mahalin
Ang sabi niya sa akin pagbigyan ko siya
At siya'y aking unawain (sus Ginoo)

Ang sabi ko di ako makapaniwala
Sa aking mga naririnig
Mula sa bibig ng dating binatang
Maraming pusong napakilig
Gumising ka na pare ko tanghali na
Tumigil ka ng managinip (pagkat)

Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang
Libog lang yan lilipas din yan relax ka lang
Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang

Ang hirap ng nagpupumilit magbinata
Lalo na kung meron ng asawa
Masahol pa sa bagong manliligaw
Maporma na't magastos pa
Trabaho at pamilya madaling malimutan
Pag panay ang good time nalang

Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang
Libog lang yan lilipas din yan relax ka lang
Libog lang yan lilipas din yan cool ka lang
Libog lang yan raraos din yan cool ka lang
Libog lang yan lilipas din yan magsimba ka nalang

Sports nalang pare ko
Maligo kaya nakakarelax
Libog lang yan lilipas din yan wag mag-alala raraos din yan relax ka lang
Mag-jogging kaya o baseball football volleyball basketball
Tsong magsasama kayong magbarkada magbuo kayo no ng basketball team
Laro araw-araw laro sa gabi pagod na diba
Tapos paggising sa umaga laro na naman
Pagod na di mo naiisip yan wala kanang ibang iisipin sakit ng katawan nalang
Di nakalimutan mo na ganyan lang yan pare relax ka lang

Músicas mais populares de Jim Paredes

Outros artistas de Pinoy pop