Pagmamahalan

Huwag na huwag ka sanang mangamba
Pag sabihin kong mahal kita
Puro't dalisay
Ang ibibigay
Na pag-ibig sa habang buhay

Pag sabihin kong ikaw na nga (pag sabihin kong ikaw na nga)
Wala ng natatangi pang iba (wala ng natatangi pang iba)
Ito'y asahan mo (asahan mo)
Narito ako
Di kita iiwan kelan man

Ang pagmamahalan
Tila isang dagat
Meron siyang amihan
At meron ding habagat
Ang damdamin ko'y hihigit pa riyan
Tila isang alon
Isang tsunami ng pagmamahalan oh

Ito'y asahan mo (asahan mo)
Narito ako (narito ako)
Di kita iiwan kelan man

Ang pagmamahalan
Tila isang dagat
Meron siyang amihan
At merong din habagat
Ang damdamin ko'y hihigit pa diyan (huwag nang mangamba)
Umaapaw ang alon
Isang tsunami ng pagmamahalan (tsunami ng)

Pagmamahalan (pagmamahalan)
Pagmamahalan
Pagmamahalan

Músicas mais populares de Jim Paredes

Outros artistas de Pinoy pop