Awit Ng Kambing
Halikayo magsilapit
Kahit na po ilang saglit
Pakinggan nyo itong awit
Na di na mauulit
Pero wag pong magagalit
Sa mga iguguhit
Ang hagupit na sinapit
Mapait masakit malupit
Si Juan ay seaman na nagbalik-bayan
Pagkatapos ng siyam na buwan
Inabutan sa tahanan
Matalik na kaibigan
Katalik ng kanyang asawa
Naghahalikan pa sila
Si Juan ay napamura
Sa impyerno kayo magsama
Di nakapagpigil gigil na gigil
Walang tigil pinagbabaril
Sa bandang huli
Sarili ang kinitil
Trahedya
Trahedya
Halikayo magsilapit
Kahit na po ilang saglit
Pakinggan nyo itong awit
Na di na mauulit
Pero wag pong magagalit
Sa mga iguguhit
Ang hagupit na sinapit
Mapait masakit malupit
Si Nene ginagahasa
Mula pagkabata ng ama-amahang siga
Nung isang gabi pinagtangkaan
Uli siyang pagsamantalahan
Ayoko ko na di ko na kaya
Kaya si Nene ay nanlaban
Hayop na hayok
Tinaga ng gulok
Binuhusan ng gas
Saka sinilaban
Isa si Nene
Sa nasunog sa looban
Trahedya
Trahedya
Trahedya
Trahedya
Trahedya
Trahedya