Segundo

Kung sa isang iglap makalimutan ng Diyos
Na ako ay isang manikang basahan
At kanyang pagkalooban ng kapirasong buhay

Hindi ko sasabihin lahat ng iniisip
Sa halip ay iisipin lahat ng sasabihin

Itatangi ko ang bawat bagay bagay
Hindi dahil lamang sa kahalagahan nito
Kundi sa kung ano ang kahulugang totoo
Ako'y matutulog nang kaunti at mas mananaginip
Mauunawaan na sa bawat minutong pagpikit

Nawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag
Liwanag
Liwanag
Liwanag

Maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang
Mananatiling gising kung ang iba ay maidlip
Makikinig ako kung may magsasalita
Kung ako ay may puso isusulat ko ang poot sa yelo
At maghihintay sa pagsikat ng araw

Ang aking luha ang didilig sa rosas
Sa kanyang imik dadamhin ko ang kirot
At ang pulang halik ng kanyang talulot

Ipababatid sa lahat ng minamahal
Na minamahal ko silang lahat

Mabubuhay ako nang nagmamahal sa pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig
Pag-ibig

Marami akong natutunan mula sa mga nilalang
Ngunit ang katotohanan wala itong pakinabang
Kahit pa ingatan ko sa loob ng maletang ito
Malungkot ko pa ring lilisanin ang mundo

Músicas mais populares de Dong Abay

Outros artistas de