Kukote
May araw na o laging gabi
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Gaano man kadilim
Magliliwanag pa rin
Nakikita ba ang bahagharing itim
Ang buwan na bulok ang basag na bituin
Naririnig din sa buong papawirin
Bihag ang kulog kidlat ay alipin
May ulap na may gubat may dagat pa
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Langit ay liliparin
Kahit ang hangin ay may patalim
Punong taimtim ay lilim ng lagim
Pusod ay puntod puso ay balong malalim
Pagsisid ay hindi pinagsisisihan
Paligid ay isang panaginip lang
Umaambon umuulan bumabagyo
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Umiiyak ang Diyos
Sa halakhak pagkatapos
Nabasa ka kaya sa patak na bumuhos
Bumaha ba ng luha sa pagpalakpak ng unos
Lumubog man ang lupa may ilog parin na aagos
Malaya ay malawak malaya at di nakagapos
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote