Kasalanan Ba Ang Umibig

[Refrain]
'Di ko malaman kung bakit natuto akong umibig
Nang sundin ko ang puso ko, kasalanan ba ito?
Kung 'di ko naman susundin, lalong sawimpalad ang buhay ko

[Verse 1]
Bakit mahihiya, umibig man ako
Ang pag-ibig, karaniwan sa tao
Iniwan man ako, siya ma'y nag-hit and run
Hindi ba maraming nagkaganyan
Magalit man sila, huwag mong pakikinggan
Ang chismis, hindi mo masasaway
Sakali mang sawimpalad, in-indian ka ng iyong nobyo
Humanap ka ng bago

[Refrain]
'Di ko malaman kung bakit natuto akong umibig
Nang sundin ko ang puso ko, kasalanan ba ito?
Kung 'di ko naman susundin, lalong sawimpalad ang buhay ko

[Verse 2]
Habang naglilihi, beywang lumalaki
Masagwa na kung magbihis nang hilig
Ang aking almusal, dati ay apple pie
Subalit ngayon ay manggang hilaw
Irog kong nawala, heto ang ginawa
Ang sexy kong figure, sirang-sira
O, pag-ibig sa puso ko, ligaya ng aking nobyo
Masdan ang ginawa mo
Sakali mang sawimpalad, in-indian ka ng iyong nobyo
Humanap ka ng bago

Músicas mais populares de Didith Reyes

Outros artistas de