Huwag Kang Mamangka Sa Dalawang Ilog
Huwag kang mamangka sa dalawang ilog
Pagkat yan ay bawal sa pag-irog
Alalahanin mong may pusong malulunod
Kapag namangka sa dalawang ilog
Kung tunay ang pag-ibig mo sa akin
Maging tapat ka sa akin o giliw
Huwag mong gawing mamangka sa dalawang ilog
Bangka mo'y tataob puso'y malulunod
Inibig kita ng higit sa aking buhay
Bakit nagawa mo pa giliw ako'y pagtaksilan
Di ba pangako mong ako lamang ang iyong iibigin
Bakit ngayon ay natiis mong puso'y manimdim
Kung tunay ang pag-ibig mo sa akin
Isakay mo ako sa bangka ng paggiliw
Tayo'y mamangka sa isang ilog lamang
Tuloy-tuloy sa dagat ng kaligayahan
At nais ko sa ating pagmamahalan
Kasing linis ng tubig sa batisan
Huwag mong gawing mamangka sa dalawang ilog
Pagkat masasawi puso'y malulunod
Huwag kang mamangka sa dalawang ilog
Huwag kang mamangka irog