Salamat
[Verse]
Salamat at nalaman ko rin
Na ang pag-ibig mo ay 'di tapat sa akin
Sumpa mo ako'y mamahalin
Ngunit ikaw palay mayro'ng mahal na higit sa akin
[Chorus]
Irog ko, 'di ko man akalain
Ang tapat kong puso ay paluluhain
Ngunit salamat sa bago mong giliw
Kung siyay magmamahal sa 'yo nang higit sa akin
[Instrumental Break]
[Chorus]
Irog ko, 'di ko man akalain
Ang tapat kong puso ay paluluhain
Ngunit salamat sa bago mong giliw
Kung siyay magmamahal sa 'yo nang higit sa akin
[Outro]
Sana ay lumigaya ka, ang aking dalangin