Damdamin
[Verse 1]
Kahit ako'y 'di mo ngayon pinapansin
Nakatanaw man sa iba ang paningin
Kailan ma'y huwag akalain na aking daramdamin
Ang pag-ibig ko ay nililihim ko rin
[Verse 2]
Kahit tuwina'y aking napapangarap ka
At alam kong gayon ka rin sa 'kin, sinta
Kailan ma'y 'di sasabihin na minamahal din kita
'Pagkat lihim din ang damdamin ko
[Instrumental Break]
[Outro]
At doo'y sisisihin damdaming sinungaling
Na 'di nagsabing mahal din kita