Kaya Natin Ito

Mahirap man ang ating katayuan
Basta’t palagi ninyong tatandaan
Nandirito kami kasama niyo sa laban

Kung saang lugar man kayo nandyan
Nagdarasal kami sa inyong kaligtasan
Malayo man kami kayo naman ay nasa puso't isipan

Kami po’y humahanga at bilib sa inyong katapangan
Magkikita tayong muli magkakasamang magyayakapan
Oh

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Sa inyong katapangan kami ay nabuhayan
Kaya naman ngayon kami'y handa kayong tulungan
Matatapos din ito
Basta’t sama-sama tayo

Kami po’y humahanga at bilib sa inyong katapangan (bilib sa inyong katapangan)
Magkikita tayong muli magkakasamang magyayakapan
Oh

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Kami po’y humahanga at bilib sa inyong katapangan (bilib sa inyong katapangan)
Magkikita tayong muli magkakasamang magyayakapan
Oh

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Kami’y kasama nyo bawat Pilipino
Nagkakaisang iligtas mahal nating Pilipinas
Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Kaya natin ito (kaya natin ito)
Kaya natin ito (kaya natin ito)

Músicas mais populares de Yassi Pressman

Outros artistas de Contemporary R&B