Dahil Sa 'Yo

Bakit ba 'di mapakali
Sa tuwing ika'y ngumingiti
Ikaw sa'kin ay natatangi
Hinihiling na ikaw ay makasama lagi

Bawat sulyap sayong mga matang bumihag sa'kin
Napapabilis ang tibok ng puso't kabog nitong dibdib
Paano ko ba maihahayag sayo oh baby
Ikaw ang dahilan ng awiting ito oh

Dahil sa'yo
Ito ay nabuo
Dahil sa'yo
Nagkaron ng tono oh
Dahil sa'yo
Naisulat ko ang mga hindi ko masabi
Dahil sa'yo

Pilit kong tinatago
Pero di na maipagkaila
Pag tingin para sa'yo
Lumalalim bawat sandali

Aking galaw ay taliwas sa nararamdaman
'Di na alam kung paano umasta pag nandiyan ka
Alam ko naman na ako ay posible ring masaktan
'Di bale na
Wala nang atrasan to

Oh
Dahil sa'yo
Ito ay nabuo
Dahil sa'yo
Nakaron ng tono oh
Dahil sa'yo
Naisulat ko ang mga hindi ko masabi (yo once again)
Dahil sa'yo

Dahil sayo ang araw sumisikat
Dahil sayo may rason akong dumilat
Dahil sayo tumitila ang ulan
At ang dahil sayo mayroong patutunguhan
Ikaw ang bituin nagsisilbing gabay
Ikaw ang inspirasyon sa paglalakbay
Ikaw ang anghel na laman ng panaginip
Ikaw ang nilalang na sumasagip

Kung ako ang papel ikaw ang kulay
Gawin mong obra maestra ang aking buhay
Wala akong hiling maliban sa'yo
Nagkatono ang musika ng dahil sa'yo

Dahil sa'yo
'Di malaman kung pano sisimulang
Ipararamdam na ako sa'yo'y may pagtingin
Ang bugso ng damdamin
Nangangambang 'di mapansin
Sa kanta nalang idadaan ang saloobin

Dahil sa'yo
Ito ay nabuo
Dahil sa'yo
Nakaron ng tono oh
Dahil sa'yo
Naisulat ko ang mga hindi ko masabi

Dahil sa'yo
Ito ay nabuo
Dahil sa'yo
Nakaron ng tono oh (dahil sa'yo)
Dahil sa'yo
Naisulat ko ang mga hindi ko masabi (dahil sa'yo)
Dahil sa'yo

Músicas mais populares de Yassi Pressman

Outros artistas de Contemporary R&B