Kung Puwede Lang Sana
Alam kong mali ang isipin ka
Alam kong mali ang makasama ka
Sa bawat sandali'y pinapangarap ka
Sa puso ko'y tanging ikaw pa rin sinta
Pinilit ko ang limutin ka
Pinilit ko ang iwasan ka
Damdamin ay nahihirapan na
Sana ay kapiling ka
Kung puwede lang sana ulitin bawat sandali
Mundo'y umiikot pabalik
Mahagkan at mayakap kang muli
Kung puwede lang sana, kung puwede lang sana
Pagmamahal mo lang ang tangi kong inaasam
Naalala mo pa ba
Mga kahapong kay saya
Kung puwede lang sana
Makapiling ka ng minsan pa