Inaamin Ko

Nasanay na akong wala ka
Nasanay na akong nagiisa
Ang lahat sa atin ay limot ko na
Tanggap ko ng ika’y wala na

Ngunit bakit ika’y nagbalik
Ngayong puso’y ayaw ng umibig
Ayoko na balikan pa
Lumipas nating pagsinta

Inaamin ko na dati ay mahal kita
Ngunit ngayo’y hindi ko na
Kailangan ang isang katulad mo
Inaamin ko na dati ay kailangan ka
Ngunit ngayo’y naglaho na
Ang pag-ibig ko sa’yo

Puso’t damdamin ay sumuko na
At ang isipan ay napagod na
Mga pagdurusa ay limot ko na
Tanggap ko nang ika’y wala na

Ngunit bakit ika’y nagbalik
Ngayong puso’y ayaw ng umibig
Ayoko na balikan pa
Lumipas nating pagsinta

Inaamin ko na dati ay mahal kita
Ngunit ngayo’y hindi ko na
Kailangan ang isang katulad mo
Inaamin ko na dati ay kailangan ka
Ngunit ngayo’y naglaho na
Ang pag-ibig ko sa’yo

Músicas mais populares de White Lies

Outros artistas de Indie rock