Siluin Mo

Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag

Puluputin mo ng lubid ang binti kong namimigti nang matigil na ang
Mga paa kong kinakalyo sa pagtahak ng landas na madawag at mabato

Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag
Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag

Talian mo nang mahigpit ang mga braso kong nangangawit
Nauwi na't maghanapan aking mga kamay ng
Maaapuhap mahihipo mapipisil masisiil

Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag
Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag

Ngunit iwan mo akong bulag nang
Matanggal sa akin ang nais kong titigan ko
At sa wakas ay tumulo ang mga luha ikaw lamang ang makatutuyo

Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag
Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag
Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag
Siluin mo akong pagod na sa paglalagalag

Músicas mais populares de Toto Sorioso

Outros artistas de Pop rock