Hayaan

Toto Sorioso

Matututo rin ako bumangon
Unti-unti nang gumagapang
Sa hapdi at sakit nalumpo
Kahit manhid na ang puso
Pinipilit tumibok nang mag-isa

Paano ba ang makalimot
Kung ang aking mundo sa 'yo umikot
Nang ika'y nawala tila tumigil na'ng lahat
Ayoko na sa 'yo umasa pa

Kaya pwede bang 'wag ka nang magpakita
Pwede bang 'wag ka nang magparamdam
Lalong lumalala ang paghilom
Pa'no na ako ngayon susulong
Pwede bang hayaan mo na muna ako (pwede bang hayaan mo na muna ako)

Hindi ka ba sa kanya masaya
Ano na naman itong nababalitaan
At bakit pilit mo pa ako nilalapitan
Wala ka na naman mababalikan
Kaya't parang awa mo na

Pwede bang 'wag ka nang magpakita
Pwede bang 'wag ka nang magparamdam
Lalong lumalala ang paghilom
Pa'no na ako ngayon susulong
Pwede bang hayaan mo na muna ako

Pwede bang wala na lang pakialaman
Pwede bang wala na lang pakialaman
Ng buhay ng may buhay

Pwede bang 'wag ka nang magpakita
Pwede bang 'wag ka nang magparamdam
Lalong lumalala ang paghilom
Pa'no na ako ngayon susulong
Pwede bang hayaan mo na muna

Hayaan hayaan
Hayaan hayaan

Pwede bang hayaan mo na muna ako
Ako

Músicas mais populares de Toto Sorioso

Outros artistas de Pop rock