Pananatili - Batay Sa Ruth 1:16-17

Huwag mong naising lisanin kita
Wala kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo

Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili
Sa'n man abutin ng paghahanap
Ikaw at ako'y magkasamang ganap
Ipahitulot nawa ng Panginoon
Ni kamataya'y malalaho anino ng kahapon

Dahil pag-ibig ang alay sa'yo
Mananatili ako
Huwag nang naising tayo'y mawalay (puso at isip tayo'y mawalay)
Huwag nang isiping mag wawakas ang paglalakbay

Huwag mong naising lisanin kita
Wala kong hangaring ika'y mag-isa
Sa'n man magtungo ako'y sasabay
Magkabalikat sa aking paglalakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo
Yayakapin ang landasin at bayan mo
Huwag mong naising lisanin kita

Músicas mais populares de Toto Sorioso

Outros artistas de Pop rock