Laging Nandiyan

Saan man ako magpunta naro’n ka twina
Bumuhos man ang ulan ako’y iyong gagabayan

Malunod man sa mga luho ng mundo
Ako pa rin ay mamahalin mo

Sa pagsikat ng araw sa paghuni ng ibon
Sa pagmamahal ng iba ika’y aking nadarama

Ikaw ay buhay sa bawat isa
Sa bawat tao ikaw ay makikita

Ikaw ay laging nandiyan
May araw man o may buwan
Kumupas man ang pag-asa ko
Ika’y nandiyang may handog na bituin

Ikaw ay buhay sa bawat isa
Sa bawat tao ikaw ay makikita

Ikaw ay laging nandiyan
May araw man o may buwan
Kumupas man ang pag-asa ko
Kumupas man ang pag-asa ko
Ika’y nandiyang may handog na bituin

Bituin

Músicas mais populares de Toto Sorioso

Outros artistas de Pop rock