Liwanag
Naliligaw nalilito
Hindi malaman ang pupuntahan
Ang daming gustong subukan
Ngunit ang loob ay pinanghihinaan
Sabi mo dahan-dahan lang at 'wag magmadali
Oh 'wag matakot na magkamali
Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo
Oh kay bigat ng nararamdaman
Mga tanong na nasa isipan
Hindi malaman kung ano ang dahilan
Makikita pa ba ang kasagutan
Sabi mo dahan-dahan lang at 'wag magmadali
Oh minahal mo kahit na nagkamali
Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo
Hinahanap ang liwanag ng buwan
'Di ka lumisan lagi ka lang nand'yan
Hinawakan mo at 'di binitawan
'Di ka nagbabago hanggang sa dulo