Kahon
Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Nahihirapan na paulit-ulit na lang
Hindi makahinga hindi makagalaw
Nawawalan na ng pag-asa
Nanggigigil 'di malaman ano'ng dulot ng pait
Pinipilit hinahanap ang sagot sa hinagpis
Iniisip mga dahilan kung bakit ka pinakawalan
Tila ba nasayang lang ang ating mga nasimulan
Gusto kong sumabog kay bigat ng aking puso
Hindi rin makatulog parang ako ay nasusunog
Mga sigaw sa isipan ayoko nang pakinggan
Sawa na sa nakasanayan gusto ko nang kalimutan
Mga bagay na pinagsisisihan 'di na mababalikan
Ayoko nang pag-usapan wala ring patutunguhan
Nahihirapang bumangon kailan kaya 'ko aahon
Para 'kong nasa kahon na kay tagal nang nakakulong
Gulong gulong gulo
Tulungan n'yo ako
Gulong gulong gulo
Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Nahihirapan na paulit-ulit na lang
Hindi makahinga hindi makagalaw
Nawawalan na ng pag-asa
Tulungan n'yo ako kung sino mang nand'yan
Buksan n'yo ang pinto nakikiusap lamang
Hindi makahinga hindi makagalaw
Gusto ko lang namang makawala sa dilim