Dumaloy [2021 Remaster]
Halos tatlong bilyong tibok din ang binilang bigla na lang silang nagkulang
Lumalala sa pagtagal ng ating pagsasama 'di ko naman iniinda
Para 'san pa ang mahabang buhay kung hindi ikaw ang kasama
Pinipili ng sarili kong dumaloy sana tayong sabay sa lahat
Sa wakas nandito ka na natakot pa 'ko nung simula
Sa wakas kapiling ka na natakot pa 'ko na mag-isa
Mundo kong malabo kinulayan mo
Paru-paro 'wag ka munang humayo sikmura'y 'di sanay na wala ka
Dahil ngayon hinihintay ang umaga na dati'y hindi ko inaasahang makita