Ginhawa

Sud Ballecer

Sa pag-uwi ko hinahanap agad ng aking puso
Mga yakap mo yapos na hindi sana matapos
Sana tumigil muna takbo ng mundo sa sandaling ito
Lalasapin ang bawat oras

Ginhawa sa'yo ko lang nakita ginhawa
Ginhawa sa'yo ko lang nakita ginhawa

Handa na ako kung san man 'to papunta patungo
Sumasalubong sa 'king braso mga yakap at halik na para bang
Dinadala ako kung saan nagsimula ha

Ginhawa sa'yo ko lang nakita ginhawa
Ginhawa sa'yo ko lang nakita ginhawa ho

Sa hirap at lungkot na dinanas ko walang pasubaling tinanggap mo
Hindi na 'ko bibitaw uuwi pa rin sa'yo

Ginhawa ginhawa sa'yo ko lang nakita ginhawa ha
Sa pag-uwi ko ngiti sa mata'y ramdam ng puso
Dito na muna tayo kung san nag tagpo
Kung san nakita ikaw at ako ginhawa

Músicas mais populares de Sud

Outros artistas de Gospel