Tuloy Ang Laban
Wala pa ring kasiguruhan
Kaya kailangang-kailangang
Mapasa-atin ang pamahalaan
Sa ngalan ng katahimikan
Sa ngalan ng kapayapaan
Gawin ninyo kahit anong paraan
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Hangga't mga komunista'y naririyan
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan
Krudo't langis nagtataasan
Ang galunggong nagmamahalan
Pangakong Cory ay kabaliktaran
Patalsikin ang mga base
Mga lupa'y ipamahagi
Mandaraya sinungaling manlilinlang
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Tuloy ang laban para sa sambayanan
Ubos na ang aking pasensya
Mga rebeldeng komunista
Huwag na huwag ninyo akong pahiyain
Humanda kayo sa akin
Kaya ko kayong ubusin
Total one total one paigtingin
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Hangga't mga komunista'y naririyan
Tuloy ang laban tuloy ang laban (tuloy ang laban tuloy ang laban)
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan
Hayag na ang tunay na kulay
Sa militar nakasalalay
Pamamahala ng estadong dilaw
'Di hamak na isang aglahi
Kung sa'kin ay mayro'ng mangyari
Ngayon pang may demokrasya na raw
Tuloy ang laban tuloy ang laban
Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan
Sa welgang bayan sa welgang bayan
Tuloy ang laban para sa sambayanan
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan
Tuloy ang laban para sa sambayanan
Tuloy ang laban
Tuloy ang laban