Once Upon A Tune

Sampung mga daliri alam nyo yun
Panay malilikot
Nangangalabit nangdidikta
At nangungurakot

Matatalas na ngipin ng pulitiko
Buhok bisya pati tinga pera ng publiko

Bahay kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo
Sugal at inom sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery

Bahay tubo Malakanyang
Ang negosyo roon ay sarisari
Experts consultants advisers at media
Sa palibot-libot ay maraming tanga

Kandidatong bobo lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista

My nephew my niece my brother and sis
My nephew my niece my brother and sis
My nephew my niece my brother and sis
Are all political appointees

Doon po sa amin libreng pagamutan
Alay ni Congressman sa may kapansanan
Nabingi ang bulag nabulag ang pipi
Napipi ang pilay napilay ang bingi

Waldas na hands gastos left and right
Public servant na very bright
Cheat them softly one two three
Na-wantutri ang botante

Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga dalawang mata
Laging nakasara

Walang kapagod-pagod
Kamay at paa
Dilang maliit nagsasabing
Ganda ng rekord niya

Curiosidades sobre a música Once Upon A Tune de Gary Granada

Em quais álbuns a música “Once Upon A Tune” foi lançada por Gary Granada?
Gary Granada lançou a música nos álbums “Gary Granada Live” em 1994 e “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2” em 2014.

Músicas mais populares de Gary Granada

Outros artistas de