O Kaysarap!

O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap

O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan

Murangmura ang bilihin
Sweldo'y kaylaki
Ang lahat ang iyong naisin
Iyong mabibili
Murangmura ang kuryente
Sagana sa tubig
Ang gamot ay halos libre
Kaya ang bukambibig ko'y

O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan

O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap

Hindi tumatanggap ng lagay
Ang mga pulis
Ang record ng ating militar
Kaylinis-linis
Kaybilis pa ng serbisyo
Ng pamahalaan
Walang kamag-anak kamag-anak dito
Sa ating bayan kaya

O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap

Makikita n'yo sa TV
Mapapanood n'yo pa sa sine
Ang lahat ay nakangise
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad

Mababasa n'yo sa dyaryo
Maririnig n'yo pa sa radyo
Ang galing ng aming gobyerno
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad (yehey)

O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap (ramdan na ramdam)
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap (one more time)
O kaysarap o kaysarap o kaysarap-sarap

Curiosidades sobre a música O Kaysarap! de Gary Granada

Em quais álbuns a música “O Kaysarap!” foi lançada por Gary Granada?
Gary Granada lançou a música nos álbums “Basurero Ng Luneta” em 2009, “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2” em 2014 e “The Essential Gary Granada Collection” em 2014.

Músicas mais populares de Gary Granada

Outros artistas de