Di Ko Kailangan
Hindi ko kailangan
Ang manirahan sa buwan
At kahit saan pa man
Sa kalawakan
Hindi ko kailangan
Ang sobrang karunungan
Kung ang patutunguhan
Ay kamatayan
Tao'y hindi masiyahan
Sa bawat makamit nais ay dagdagan
Tao ang siyang gumagawa
Ng tanging pamuksa sa bawat nilkha
Hindi ko kailangan
Ang pag dami ng sasakyan
Kung ang hanging lalanghapin
Ay usok na lamang
Hindi ko kailangan
Ang makipagpaligsahan
Sa mayroong kapangyarihan
Haring kalikasan
Tao'y hindi masiyahan
Sa bawat makamit nais ay dagdagan
Tao ang siyang gumagawa
Ng tanging pamuksa sa bawat nilkha