Isang Pintig, Isang Bibig

Florante De Leon

Kung sama sama kayang kaya natin ang mithiin
Isang pintig isang bisig nating kunin

Ikaw na naririyan ang una at higit na may alam
Ng mga kailangan sa iyong kapaligiran

Sabihin mong isa-isa at ating pag-aralan
Sabay nating hanapin ang kalutasan

Ikaw ay kailangan kot akoy kailangan mo rin
Tayo'y dapat magtulong sa bawat bubuhatin

Kung ang pintig at bisig natin ay pagsasamahin
May mas matatapos agad na gawain

Pangarap ay kayang abutin lamang kung may pintig na gagawing hagdan
Mahirap may maa-aring makayanan kung may mga bisig na magtutuwang

Malawak ang mawawalis kapag marami ang tingting
Katulad ng mga taong may iisang layunin

Kung sama sama kayang kaya natin ang mithiin
Isang pintig isang bisig nating kunin

Pangarap ay kayang abutin lamang kung may pintig na gagawing hagdan
Mahirap may maaring makayanan kung may mga bisig na magtutuwang

Kung sama sama kayang kaya natin ang mithiin
Isang pintig isang bisig nating kunin

Músicas mais populares de Florante

Outros artistas de Folk rock