Maghihintay [Encantadia 2016 Theme]

Nag-iisang muli yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay nalang ng muling pagdating mo

Bakit kaya pinagtagpo kung tayo'y magkakalayo
Mahirap man puso'y mananatili sa iyo

Umaasang muli kang makasama
Di man makita sa ngayon (di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y)
Maghihintay

Sa bawat sandali luha'y napapawi ng hangin
Maghihintay pa rin maging isang ating mundo
Tayo'y muling magtatagpo kahit ngayo'y magkalayo
Ang buhay ko't puso'y mananatili sa iyo (mananatili)

Umaasang muli kang makasama (muling makakasama)
Di man makita sa ngayon (di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y)
Maghihintay

Ipaglalaban ka kahit na umabot pa
Hanggang sa dulo ng huli kong paghinga
Maghihintay maghihintay maghihintay

Tayong dalwa'y muling magkakasama (muling magkakasama)
Darating din ang panahon (darating din ang panahon)
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo (pag-ibig ko'y iyong iyo)
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y)
Maghihintay

Músicas mais populares de Christian Bautista

Outros artistas de Pop