Paru-Parong Medley
[Verse 1]
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
[Verse 2]
May payneta pa siya
May suklay pa man din
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad ng pakendeng-kendeng
[Verse 3]
Sampaguita ng ating bayan
Bulaklak na bango ng buhay
Simputi ng sumpang dalisay
Ng pagsintang 'di mamamatay
[Verse 4]
Siya raw ang dating pagsuyo
Ng dalagang minsa'y mangako
Sa binatang dagling lumayo
Sa naghihintay na dakilang puso
[Verse 5]
Sa pagluha pumanaw ang paraluman
Ngunit sa libingan nakita'y halaman
Bulaklak ay puti't may tanda ng buhay
Sumpa kita ay waring bulong ng bawat nagdaraan
[Verse 6]
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakila ang hiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
[Verse 7]
Batis ng ligaya at galak (Batis ng ligaya at galak)
Hantungan ng madlang pangarap
'Yan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
[Verse 8]
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
[Verse 9]
Maging sa ugali, maging sa kumilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob
[Verse 6]
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirap
[Verse 7]
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
[Outro]
Ang dalagang Pilipina