Kabukiran Medley

C. de Guzman, J. Rizal, L. Celerio

Tayo na sinta sandali at limutin ang himutok
Ang mga mata'y itanaw sa mga luntiang bundok
At sa bukid mo langhapin ang hanging malamyos
Na singlinis ng pagsintang ’di ko matanos

Ang mga pipit sa galak ay nag-aawitan
Ang ibig sabihin kay sarap mabuhay (ang ibig sabihin kay sarap mabuhay)
Kung maralita man ikaw at salat sa yaman
Ang ginhawa mo'y narito sa kabukiran

Tatalon-talon iindak-indak ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas tulad ng pag-ibig
At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
Sa mga pook na ito’y walang hapis

Kukunday-kunday ang maninipis na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
At ako'y iyo sinta habang-buhay
Sa gitna nitong masaganang kabukiran

Arimunding-munding (arimunding-munding)
Halina at magsayaw
Arimunding-munding (arimunding-munding)
At pakunday-kunday (pakunday-kunday)
Sa inindak-indak at sarap ng pag-imbay
Ay bagayan mo sinta himig ng tugtugan

Limutin ang iyong kalungkutan
Sa galak ating subaybayan bawat kumpas sa palakpak
At upang sumaya ang ating pusong kay wagas
Nang malimot ang lahat ng hirap na tinataglay

Ika'y paru-paro bulaklak naman ako
Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango
Kung sakali't dumating 'yang ulat-bagyo
Sugod na sa pakpak mo silong na sa ubod ko

Ika'y paruparo bulaklak naman ako
At magkasuyo tayo
Sa sakdal-tamis mong paglingap irog ko
Langit ko'y pag-ibig mo

Langit ko’y pag-ibig mo

Curiosidades sobre a música Kabukiran Medley de Celeste Legaspi

Quando a música “Kabukiran Medley” foi lançada por Celeste Legaspi?
A música Kabukiran Medley foi lançada em 2014, no álbum “Bagong Plaka, Lumang Kanta, Vol. 3”.
De quem é a composição da música “Kabukiran Medley” de Celeste Legaspi?
A música “Kabukiran Medley” de Celeste Legaspi foi composta por C. de Guzman, J. Rizal, L. Celerio.

Músicas mais populares de Celeste Legaspi

Outros artistas de Asian pop