Madaling Araw

Francisco Santiago, José Corazón de Jesús

Irog ko'y dinggin
Ang tibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong itunghay
Ang matang mapungay
Na siyang tanging ilaw
Ng buhay kong papanaw

Sa gitna ng karimlan
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan
Ng habag at pagsinta
Kung ako'y mamatay
Sa lungkot nyaring buhay
Lumapit ka lang
Lumapit ka lang
At mabubuhay
At kung magkagayon Mutya
Mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa
Ng dahil sa iyo

Madaling araw ka sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako
Mutya'y mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa ganda mo
Liwayway ng puso ko't tanglaw
Halina irog ko at
Mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
At madaling araw na

Curiosidades sobre a música Madaling Araw de Celeste Legaspi

Quando a música “Madaling Araw” foi lançada por Celeste Legaspi?
A música Madaling Araw foi lançada em 2014, no álbum “Koleksyon”.
De quem é a composição da música “Madaling Araw” de Celeste Legaspi?
A música “Madaling Araw” de Celeste Legaspi foi composta por Francisco Santiago, José Corazón de Jesús.

Músicas mais populares de Celeste Legaspi

Outros artistas de Asian pop