Hindi Maaaring Hindian
Akala ko'y maaring iwan
Ang nagdaan pag may katwiran
Iyon pala'y may pagsintang
Hindi maaring hindian
Sa piling mo mundo'y umawit
Nahihibang sayong paglapit
At aking naintindihan
Ito'y di mahihindian
Kapag nagmamahalan
Nang may pagbibigayan
Tunay palang pilitin man
Iyo'y hindi mahihigitan
Di ko na rin maaasahan
Na malayo nang matagalan
Ligaya ko ay nandiyan
Ano't biglang hihindian
Kapag nagmamahalan
Nang may pagbibigayan
Tunay palang pilitin man
Iyo'y hindi mahihigitan
Di ko na rin maaasahan
Na malayo nang matagalan
Ligaya ko ay nandiyan
Ano't biglang hihindian