Bukid Medley

Ray Alinsod, Levi Celerio, Constancio de Guzman

[Verse 1]
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, 'di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigkas
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y 'di na nahabag
'Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak"

[Verse 2]
May ibong kakanta-kanta sa sanga ng punong mangga
Ang awit, kay tamis-tamis, ang tunog, kay saya-saya
Sa himig na kabit-kabit, ang diwa ay mahalaga
Ang buhay mo raw, giginhawa rin kung masipag ka

[Verse 3]
Ang ibong munti, walang ano-ano'y lumipad
Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat
Kahit na dukha, madali kang uunlad
Kung masipag kang lagi, may sagana kang bukas

[Verse 3]
Ang ibong munti, walang ano-ano'y lumipad
Ngunit nag-iwan ng aral na sadyang matapat
Kahit na dukha, madali kang uunlad
Kung masipag kang lagi, may sagana kang bukas

[Verse 4]
Magsayaw ka, giliw, at umawit
Sa saliw ng tugtuging bukid
Sandaling limutin ang 'yong hapis
At mangarap ka sa pag-ibig
Ang kamay ko giliw ay hawakan
At ikaw ay makikiramdam
'Pag aking pinisil ang palad mo, giliw
'Ya'y tanda ng aking paglalambing

[Verse 5]
Masdan mo (Masdan mo)
Ang kindat (Ang kindat)
Ng aking (Ng aking)
Mga mata (Mga mata)
Ang ibig sabihin
"Iibigin kita hanggang sa malagot ang hininga"

[Verse 5]
Masdan mo (Masdan mo)
Ang kindat (Ang kindat)
Ng aking (Ng aking)
Mga mata (Mga mata)
Ang ibig sabihin
"Iibigin kita hanggang sa malagot ang hininga"

[Outro]
Ang ibig sabihin
"Iibigin kita hanggang sa malagot ang hininga"

Curiosidades sobre a música Bukid Medley de Celeste Legaspi

Quando a música “Bukid Medley” foi lançada por Celeste Legaspi?
A música Bukid Medley foi lançada em 2014, no álbum “Bagong Plaka, Lumang Kanta, Vol. 3”.
De quem é a composição da música “Bukid Medley” de Celeste Legaspi?
A música “Bukid Medley” de Celeste Legaspi foi composta por Ray Alinsod, Levi Celerio, Constancio de Guzman.

Músicas mais populares de Celeste Legaspi

Outros artistas de Asian pop