Akoy Bakyang-Bakya

Rolando S. Tinio

Ang hilig ko'y butong pakwan
Ayoko ng pastilyas
Nagdyi-dyip ako miski saan
Hanggang sa Dasmarinas
Hindi ako lumalampas
Sa linya ng batas
At wala akong namamaneho
Kahit na harabas
Nakakahilo ang maging sosyal
Hanggang Luneta lang namamasyal

Kain sa oras ang aking gusto
Bayad sa utang ay palaging husto
Hindi ko kaya ang magwalanghiya
Oo ako'y bakyang-bakya
Ayaw ko ngang magpelota't mahjong
Mag-nina riccio yves saint lauren
O mag-kolekta ng painting kaya
Pano ako'y bakyang-bakya

Sumusunod sa aking loob
Kahit ako'y tawaging laos
Kaya mag-hilton hindi ko gawa
Dahil ako'y bakyang-bakya
Sa turo-turo busog na ako
Si oropesa ang idolo ko
Basta't may komiks nabasang sadya
Syempre ako'y bakyang-bakya

Ayaw ko ng palabas na ingles
O magsports car masyadong bilis
At mano ng magmukhang matanda
Di ba't ako'y bakyang-bakya
Di ko alam magcredit card
Ang pera ko akin lahat
Sa kama ko magisang hihiga
Kitams ako'y bakyang-bakya

Curiosidades sobre a música Akoy Bakyang-Bakya de Celeste Legaspi

Quando a música “Akoy Bakyang-Bakya” foi lançada por Celeste Legaspi?
A música Akoy Bakyang-Bakya foi lançada em 2010, no álbum “Celeste, Vol. 1”.
De quem é a composição da música “Akoy Bakyang-Bakya” de Celeste Legaspi?
A música “Akoy Bakyang-Bakya” de Celeste Legaspi foi composta por Rolando S. Tinio.

Músicas mais populares de Celeste Legaspi

Outros artistas de Asian pop