Paraisong Parisukat

Ryan Cayabyab

Narito ka't tumatangis
Sa 'yong munting paraiso
Pagmasdan mo ang paligid nito
Inaamag
Inaagiw

Heto ako't sumasamo
Dingin ang aking pagsuyo
'Sang libo't isang paraiso
Inaalay ko sa'yo

Tayo na giliw sa malawak na kalikasan (ho ho)
At salubungin ang bukang-liwayway (ha ha)
Madarama mo ang pagsabog ng liwanag (ha ha)
Mahahawakan mong bahaghari at ang sinag (ha ha)
Sa tuwina'y mamahalin ka (sa tuwina'y mamahalin ka)

Giliw dalangin ko'y iwan mo na
Ang 'yong paraisong parisukat
'Sanlibo't isang paraiso
Inaalay ko sa iyo giliw

Heto ako't sumasamo
Dingin ang aking pagsuyo
'Sang libo't isang paraiso
Inaalay ko sa'yo ha ha

Dalangin ko'y iwan mo na (ha ha)
Ang iyong paraisong parisukat (ha ha)
'Sanglibo't isang paraiso (ho ho)
Inaalay ko sa iyo (ha ha)
Habang nabubuhay ako (ha ha)
Paraisong ito'y handog ko sa iyo lamang giliw

Curiosidades sobre a música Paraisong Parisukat de Basil Valdez

Em quais álbuns a música “Paraisong Parisukat” foi lançada por Basil Valdez?
Basil Valdez lançou a música nos álbums “Ngayon at Kailanman” em 1994 e “The Best of Basil” em 2010.
De quem é a composição da música “Paraisong Parisukat” de Basil Valdez?
A música “Paraisong Parisukat” de Basil Valdez foi composta por Ryan Cayabyab.

Músicas mais populares de Basil Valdez

Outros artistas de Asian pop