Ngayon at Kailanman

George Canseco

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap ko ginhawa ka
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang
Ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Oh tumitingkad (bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon)
Daig ng bukas (na daig ng bawat bukas)

Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Tangi sa Maykapal (ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman

Curiosidades sobre a música Ngayon at Kailanman de Basil Valdez

Em quais álbuns a música “Ngayon at Kailanman” foi lançada por Basil Valdez?
Basil Valdez lançou a música nos álbums “Ngayon at Kailanman” em 1994, “18 Greatest Hits Basil Valdez” em 2009, “The Best of Basil” em 2010 e “OPM Back to Back Hits of Basil Valdez & Rey Valera” em 2012.
De quem é a composição da música “Ngayon at Kailanman” de Basil Valdez?
A música “Ngayon at Kailanman” de Basil Valdez foi composta por George Canseco.

Músicas mais populares de Basil Valdez

Outros artistas de Asian pop