Dakilang Lahi
Dakilang lahi na sa 'yong tangi
Pag-ibig ko walang hanggan
Isinumpa ko o Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan
Nang pahiran ko luha ng puso mo
Ay natayo muli ang karangalan mo
O ang pag-ibig ko sa'yo walang hanggan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo walang hanggan
Dakilang bayan kapayapaan
Iyo'y muli nang nakamtan
Tulad nu'ng araw bago inagaw
Ang kayamanan mo ang iyong kalayaan
Nang pahiran ko luha ng puso mo
Ay natayo muli ang karangalan mo
O ang pag-ibig ko sa'yo walang hanggan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo walang hanggan
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko
Buong lakas akong magtatanggol sa'yo
Oh
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo
Ang buhay ko'y alay sa'yo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo walang hanggan (oh)
Pag-ibig ko sa'yo'y
Walang hanggan