Pangarap Mo’y Makakamit
[Verse 1]
Noon, maliit ka pa
At ang paligid mo'y kadiliman pa
Pangarap mo ay kay laki
Magulang mo, sa 'yong tabi
[Verse 2]
Minsa'y nakalimot ka
Nalihis ng daan at lumisan ka
Lumuha ka at nagbalik
Sa tahanan mong sa yakap mo'y sabik
[Chorus]
O, lagi mong tatandaan
Na kahit na kailan pa man
Dakila ang lahi mo
Dakila ang layunin mo
[Verse 3]
Ngayon, malaki ka na
Bukas na sa 'yong daan, pagpalain ka
Pangarap mo'y makakamit
Diyos ay nasa 'yong tabi bawat saglit
[Chorus]
Bukas, lumingon ka man
May halimbawang kay ganda na maiiwan
Pangarap mo'y makakamit
Diyos ay nasa 'yong tabi bawat saglit, oh-oh
[Outro]
Pangarap mo'y makakamit
Diyos ay nasa 'yong tabi bawat saglit