Ang Kahapon
[Verse 1]
Nang magwagi ang puso sa pag-ibig ay napakatamis
Anong ganda ng daigdig
Anong saya ng buhay ko
Sa bawat araw ay may awit
[Verse 2]
Oh, kay sayang isipin ang kahapon
Oh, kay lambing humuni bawat ibon
Nang magkapiling tayo sa tuwina
Ang buhay ko'y puno ng pag-asa
[Verse 3]
Kung ang ating pag-ibig
'Di na muling magbabalik
Magdidilim ang langit
Ang kinabukasan ng aking abang pag-ibig
[Chorus]
Kung 'di na liligaya, sa pagluha
Ay kay laking parusa ng tadhana
Kung ako, giliw, ay limutin mong tunay
Ay aanhin ko pa itong buhay?
Kung 'di na liligaya, sa pagluha
Ay kay laking parusa ng tadhana
Kung ako, giliw, ay limutin mong tunay
Ay aanhin ko pa itong buhay?
[Outro]
(Nang magwagi ang puso sa pag-ibig ay napakatamis)