Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang
[Verse]
Babae, hinugot ka sa 'king tadyang
Hindi upang maging isang api-apihang nilalang
Babae, sa 'yong kinakatayuan
'Di ka mababa o kulang upang paglaruan
[Chorus]
Babae, kasing talino lang kita
Kung minsan nga'y higit ka pa dahil sa matiisin ka
Babae, sa daigdig ko'y bahagi ka
Na pinakamahalaga, mahal kita
[Outro]
Ikaw ang nagbigay-kulay
Babae, hinugot ka sa 'king tadyang
Upang maging kabiyak ng aking buhay