Yung Pakiramdam

Yung pakiramdam
Na gusto mong tawagan
Pero ayaw mong ipaalam na iniisip mo siya
Na gusto mong dalawin
Pero ayaw mong isipin niyang pinagdududahan siya
Sa gitna ng trangkaso at lagnat
Sa pagitan ng alanganin at tiyak
Nasa bingit ng pagtitiwala at ng paghihinala

Yung pakiramdam na gusto mong hayaan
Pero ayaw mong gawin lang niyang lahat ang gusto niya
Hindi sa walang tiwala
Pero siya'y kilala
Alam mo ang takbo ng utak niya
Sa gitna ng awit at pagka-utal
Sa pagitan ng sumpa at ng dasal
Nasa bingit ng sigurado at ng di sigurado

Yung pakiramdam na gusto mong yakapin
Pero nasasakal
Itutulak ka
Di daw sya makahinga
Mahilig nang maglihim
Ang kanyang ngiti
Hindi mo tiyak kung ikaw ang dahilan

Sa pagitan ng bukas at nakaraan
Sa gitna ng tagtuyot at tag-ulan
Yung pakiramdam
Na hindi mo alam nararamdaman

Músicas mais populares de Agot Isidro

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)