Madaling Magsalita

Parang ngayon lang nagdalaga
Ang lakas makakilig nakakagaga
Ang kanyang ngiti ako'y kinikiliti
Kinukurot-kurot aking pisngi

Alam ko ang iniisip ng iba
Hindi man lang naghanap ng sing-tanda niya
Madaling magsalita
Ngunit pag nariyan na
Mahirap nang pakawalan ko po

Naririnig ko ang bulung-bulungan
Hindi ko napansin usap-usapan
Sabihin na nilang lahat
Ako ang lumapit at naghabol
Sa isang bente nuebe anyos ako'y nauulol

Papunta pa lang ako pabalik na siya
Sa gitna ng biyahe dun kami nagkita
Labing limang taong pagitan ang pagmamahalan
Hindi namimili ng tatamaan

Alam ko ang iniisip ng iba
Di man lang naghanap ng sing-bata niya
Madaling magsalita
Ngunit pag nariyan na
Mahirap nang hindi kapitan pa

Naririnig ko ang bulung-bulungan
Hindi ko pinansin usap-usapan
Sabihin na nilang lahat
Ako ang hinabol at niligawan
Kwarenta singko anyos ang aking kasintahan

Siya ay tagsibol at ako raw ay taglagas at taglamig
O ano naman ngayon

Alam ko ang iniisip ng iba
Isipin na nilang gusto nila
Madaling magsalita
Ngunit pag nariyan na
Mahirap nang pakawalan
Kumapit na
Kapitan na

Músicas mais populares de Agot Isidro

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)