Pangako Ko

Nang makilala kita
Buhay ko'y nag-iba
Kay saya pag laging magkasama
Sigaw ng puso pangalan mo sinta

Sana'y di na magkalayo
At sana wag tayong susuko

Hindi kita kayang bitawan
Hindi kita kayang iwanan
Pangakong walang hanggan
Habambuhay ikaw lamang
Pangako ko (pangako ko)
Magpakailanman ha

Ika'y aking mundo
Buhay ko'y umiikot sayo
Hulog ka ng langit sa buhay ko
Sana ikaw na hanggang dulo

Sana'y di na magkalayo
At sana'y di na mag bago

Hindi kita kayang bitawan
Hindi kita kayang iwanan
Pangakong walang hanggan
Habambuhay ikaw lamang
Pangako ko (pangako ko)
Magpakailanman

Sa tagpuan ni Bathala
Doon tayo magsisimula
Ng pagmamahalang
Walang hanggan

Hindi kita kayang bitawan
Hindi kita kayang iwanan
Pangakong walang hanggan
Habambuhay ikaw lamang oh
Pangako ko
Magpakailanpaman

Músicas mais populares de Zephanie Dimaranan

Outros artistas de Contemporary R&B