Pero

Naalala mo pa ba no'ng sinabi ko sa 'yo
Ikaw lang nag-iisa wala naman tal'gang iba
Lahat ng pinangako ko andito lang sa aking puso
Hinding-hindi mawawala ikaw lang naman talaga
Alam ko ikinagagalit mo pero hindi ko na matatago
'Di ko na kayang tiisin gusto man kitang kapiling mahal kita

Pero walang magawa 'di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to walang iba oh
Parang 'di mo alam 'di ko gagawin 'yun sa 'yo
Pero pipiliin ko muna sarili ko oh yeah yeah

Ang iyong mga halik markado sa aking labi
'Di ko rin naman matiis na maiyak 'pag nami-miss
Sigurado naman ako sa nilalaman ng puso ko (hu)
Pero ayaw ng mundo
Ano'ng gagawin ko alam ko namang 'kinagalit mo

Pero 'di ko na matatago 'di ko na kayang tiisin
Gusto man kitang kapiling mahal kita
Pero walang magawa (yeah baby yeah)
'Di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to (walang-hiyang pag-ibig na 'to)

Walang iba (walang iba)
Parang 'di mo alam 'di ko gagawin 'yun sa 'yo (oh)
Pero pipiliin ko muna sarili ko mawala man nang tuluyan na
Pero sana tandaan mo pa lahat ng pinagsamahan natin
Ikaw pa rin nakatadhana sa 'kin mahal kita

Parang 'di mo alam 'di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to mahal kita
Alam mo 'yan wala namang iba
Hintayin na lang natin ang tadhana

Músicas mais populares de Zack Tabudlo

Outros artistas de Pop