Alay

Pana pana pana
Ikaw ang panaginip ginip ginip
Laman ng aking isip isip isip
Salamat sa iyong pag-ibig

Sa dami ng tao sa mundo
Walang sino man magpapantay sayo
Di ka utang ngunit ‘kay laman ng aking isip
Ikaw ang unang laman ng aking panaginip
Kislap sa’yong mata’y parang bituin
Lumiliwanag ang gabing madilim
Sa t’wing makikita ko ang iyong ngiti
Nawawala lahat ng hirap ko nang madali

Nais kong magpasalamat
Sa pag-ibig na tapat
Para bang lumilipad ako sa langit
At ikaw ang bahaghari na nagbibigay ng kulay
Pakinggan ang aking awit (awit)
Na sa puso’y nanggagaling
Daanin man ng maraming pagsubok
Nakatatak pa rin pangalan mo sa aking puso

Pana pana pana
Ikaw ang panaginip ginip ginip
Laman ng aking isip isip isip
Salamat sa iyong pag-ibig
Pana pana pana
Ikaw ang panalangin langin langin
Sa piling mo ay langit langit langit
Salamat sa iyong pag-ibig na tunay
Sa iyo inaalay
Katuparan ng aking panaginip

Sa gitna ng gulo ng ating mundo
Walang oras na iniwan mo ako
Sa mga gustong humila sa’kin pababa
Ika’y taas noong kumapit at hindi ka nawala
Hawakan mong aking pangako
Pag-ibig sa iyo’y di maglalaho
Hanguin man nila ang kamalian ko
Hangga’t meron akong ikaw tama na ang buhay ko

Nais kong magpasalamat
Sa pag-ibig na tapat
Para kang mainit na kape sa umaga
Anumang pagod kagabi dahil sayo’y wala na
Pakinggan ang aking awit (awit)
Na sa puso’y nanggagaling
Ang tulad mo’y di nakukuha ng mahika
Yan ang totoo
Ano bang masasabi pa

Pana pana pana
Ikaw ang panaginip ginip ginip
Laman ng aking isip isip isip
Salamat sa iyong pag-ibig
Pana pana pana
Ikaw ang panalangin langin langin
Sa piling mo ay langit langit langit
Salamat sa iyong pag-ibig na tunay
Sa iyo inaalay
Katuparan ng aking panaginip

Inaalay sa’yo
Mamahalin kita oh
Oh inaalay ko sa’yo ho
Ang awiting ito oh yeah

Pana pana pana
Ikaw ang panaginip ginip ginip
Laman ng aking isip isip isip
Salamat sa iyong pag-ibig
Pana pana pana
Ikaw ang panalangin langin langin
Sa piling mo ay langit langit langit
Salamat sa iyong pag-ibig na tunay
Sa iyo inaalay oh

Músicas mais populares de Young JV

Outros artistas de Old school hip hop