Tahimik

Yeng Constantino

Sabi nila'y duwag daw ang katulad kong
Hindi maamin ang nadarama para sa katulad mo
Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay
Ng kapalit at ng sukli kahit sobra ang ibinigay

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig ko sa'yo
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa'yo
Para sa'yo

Kulang ko na lang sabihin ako na ang martir ng taon
Pero 'di nila maintindihan na okey na'ko sa gano'n
Ang umibig at lumuha para sa isang tulad mong
Kahanga-hanga kaibig-ibig kahit wala namang napapala

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig pa sa'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa'yo (ah)

Pero 'di ba mas matapang ang umibig nang 'di naghihintay
Ng kapalit at ng sukli kahit sobra ang ibigay

Tatahimik na lang at mamahalin kita
Kahit na masakit hindi na iimik pa
Mabuti nang hindi mo na lang malaman
Kaysa marinig pa sa'yong
'Di mo kayang mahalin ang katulad ko
Tatahimik na lang ang pag-ibig ko
Para sa'yo (ah)

Tatahimik na lang

Curiosidades sobre a música Tahimik de Yeng Constantino

Quando a música “Tahimik” foi lançada por Yeng Constantino?
A música Tahimik foi lançada em 2018, no álbum “Synesthesia”.

Músicas mais populares de Yeng Constantino

Outros artistas de Pop rock