Doon [From " Ikaw Sa Puso Ko"]

Trina Belamide

Doon
Kung saan tumigil ang panahon
Kung saan naro’n pa rin hanggang ngayon
Ang buwan at mga bituing
Saksi sa pag-iibigan natin

Doon
Kung saan sinabi mong ako lamang
Ang iibigin mo kailan pa man
Doon unang nadama
Pag-ibig na ngayo’y naglaho na

Doon
Tangan pa rin ng hangin ang pangako mo
Doon
Naririnig ang awit ng pag-ibig mo
Malayo ka man sa akin
Tila kasama pa rin
Doon
Kung saan paligid ay ‘di nagbago
Katulad ng pag-ibig ko sa ‘yo
Hahanapin ko ngayon
Ala-ala at pag-ibig mo
Doon

Doon
Tangan pa rin ng hangin ang pangako mo
Doon
Naririnig ang awit ng pag-ibig mo
Ito’y aawitin ko rin
Sa aking pagbalik
Doon
Kung saan paligid ay ‘di nagbago
Katulad ng pag-ibig ko sa ‘yo
Walang katapusang
Mananatili doon magpakailanman

Pag-asa ko ngayon
Sa paglipas ng panahon
Baka sakaling
Ako’y hanapin mo rin
Doon

Curiosidades sobre a música Doon [From " Ikaw Sa Puso Ko"] de Toni Gonzaga

De quem é a composição da música “Doon [From " Ikaw Sa Puso Ko"]” de Toni Gonzaga?
A música “Doon [From " Ikaw Sa Puso Ko"]” de Toni Gonzaga foi composta por Trina Belamide.

Músicas mais populares de Toni Gonzaga

Outros artistas de Japanese music